Prophecy for the Philippines by Cindy Jacobs
Monday, April 13, 2009
Labels: CINDY JACOBS , PHILIPPINES , PROPHECY , video
SI LOLA AT SI LOLO NAMAN…ISANG PATOTOO
Thursday, April 02, 2009
Sa bawat araw ng Linggo iba’t ibang uri ng tao ang nakikita sa Bahay Sambahan. Marami ang halos 40 taon gulang pataas, malalakas, masisigla na nagpupuri sa Panginoon. Ngunit meron isang babae na nangingibabaw sa lahat ang kanyang katangian.
Siya po ay si Lola Romana Caneta, 70 taon gulang. May 3 tatlong anak na puro matagumpay sa kanilang careers. Halos 27 taon na born-again si Lola Romana, 10 taon ay nasa Jesus the Gospel at 17 taon na nasa JIL.
Sa tuwing nagpupuri si Lola Romana ay kitang kita ang kakaibang kislap ng kanyang mga mata, siya ay masiglang nakikipagkamay at sumasabay sa nakakabatang kapatiran. Ayon sa kanya siya ay binibigyan ng kalakasan ng Panginoon. “Dito ako sa JIL umasenso, nagkaroon kami ng sariling bahay, lumakas at hindi na rin ako nagkakasakit pagkatapos ng pangalawa stroke 2 taon na ang nakaraan”. “Lalo Ako pinagpapala ng Panginoong Jesus at pati mga anak ko, na ngayon ay isang manager sa kompanya, ang isa naman ay nasa abroad na”.
Hindi lamang tuwing araw ng linggo nagpupuri si Lola Romana, hindi niya rin kinakaligtaan ang midweek service tuwing Miyerkulis na sa kadalasan ay nilalakad lang niya magmula sa kanyang bahay na halos 1 kilometro ang layo mula sa church. “ Ako ay hindi magsasawang magpuri sa Panginoon dahil siya lamang ang nagbibigay ng katalinuhan sa aking mga anak at higit sa lahat masayang-masaya ako at malakas habang ako’y patuloy na nagpupuri”.
Tunay nga na kahanga-hanga ang kabutihan ng Panginoon kahit anong edad ng kanyang buhay.
Published on INCENSE Vol.I, Issue 3, December 2007

Labels: LIFE TESTIMONIES , LOLO AT LOLA
Subscribe to:
Posts (Atom)