Salamat ………. Mahalaga Ka Ba?

Thursday, April 02, 2009

Ni Yasmin Felix-Alcordo

Grabee … 7:39 pa lang siksikan na dito sa Mrt. Buti na lang nakaupo ako, kung hind hmmpp… bakit kasi ang aga ng appointment ko. Ayala Station! OOpps may sumakay na matanda , naku wala ng upuan, sa tapat ko pa naman tumayo. Mag tulog-tulugan kaya ako… ayokong tumayo no… pero… sige na nga “Lola upo ho kayo” Hayy salamat ineng, masakit na nga ang rayuma ko, kung hindi ko lang dadalawin ang apo kung bagong panganak, hindi na ako aalis ng bahay, SALAMAT uli ha. “Ok lang po walang anuman. Ang ganda ng ngiti ni Lola, sarap din ng feeling ng mapasalamatan. Parang gusto kong kumanta … Give thanks with a … hmmm hmmm. Ortigas na. “Cge po Lola ingat ho kayo.

Ang init na, naku ayaw bumukas ng payong ko. Ayun “Ms. Pa share naman ang init , nasira ang payong ko. “Sure san ba punta mo” “sa Orient Square may appointment ako. “Thank you sa payong ha” “Ok lang malaki naman ito, pengi pala number mo, malay natin we can do business together in the future” “0928… Thank you, let’s keep in touch ha Laurie cge C U.

...overflow of a forgiven soul hmm ...hmm…

Ano ba tong ka meeting ko 9:00 daw 10:00 na wala pa…. Grabeeee. Thank you Mr. Mendoza, schedule natin tripping on Saturday. SALAMAT din for waiting Ms. Yas halika libre kita lunch kasi late ako… Wow ….

....Hanggang merong himig hanggang ako…

Tatawag pala ako kay Nanay. Hello Nay, nagdeposit nako sa account mo. “Salamat gid neng, salamat na madami. Ingat kayo dyan ha”. Pakausap kay Joshua, “Hello mommy, nawala ang jogging pants ko sa school,” cge padalhan kita, sabihin kay Lola na bilhan ka uli ng jogging pants, milk and vitamins. “Tenk you mommy” you’re welcome Josh, bait naman ng anak ko."Lagi ako nag te tenk you turo ni lola at ni teacher…. Tenk you uli mommy." Iiyak yata ako …

…. Hold me close, let your arms surround hmmm hmmm….

10:58 na, oras para pumunta sa secret place. Lord, dito na ako para magpasalamat. Alam ko nakangiti ka ngayon kasi hind lamang ako kundi marami kami sa oras na ito na nagsasabing SALAMAT LORD.

Salamat sa lola sa mrt, napawi ang init ng ulo ko. Salamat na nasira ang payong ko, naka meet naman ako ng bagong friend si Laurie. Salamat din at na late si Mr. Mendoza, nag-libre tuloy ng masarap na lunch. Salamat at nawala ang jogging pants ni Josh, naiyak ako sa tenk you mommy nya, salamat din sa Salamat gid ni nanay, lalo akong na-inspire magsumikap kumita.

Salamat Lord sa pag-ngiti mo at ng mga anghel, naka-ngiti din ako dahil naka-ngiti ka.
Salamat sa salitang SALAMAT

Simple lang ngunit mahalaga. Alam ko bukas, panibagong pakibaka na-naman, ngunti Salamat dahil nandiyan ka…. Salamat Lord.

Published on INCENSE Vol. I, Issue 2, September 2007

ABOUT US

INCENSE is a local newsletter that covers updates of Jesus Is Lord Church Area 17 Paranaque activities and showcases talents who desire to glorify God through the written genre.

Discover how we started....

Read more>>>

CHURCH SCHEDULE AND LOCATION

JIL QUIRINO
JIL SUCAT
JIL SUN VALLEY
JIL SAN MARTIN
JIL DONA SOLEDAD

TV AND RADIO

BIBLE VERSE FOR TODAY

Lookup a word or passage in the Bible



BibleGateway.com
Include this form on your page