G-12 GRADUATION

Thursday, April 02, 2009

Published on INCENSE Vol.I, Issue 2, September 2007


By Zerrah Del Prado


NAGTAPOS UPANG MAGSIMULA


Noong nakaraang Agosto 26, 2007, ang Jesus Is Lord Church Area 17- Paranaque ay nagdaos ng graduation day sa lugar ng JIL Quirino Church para sa mga manggagawang naging bahagi ng G-12 (government of 12) seminar. Ito ay isang uri ng training na ipanapatupad sa lahat ng JIL churches worldwide. Ang seminar na ito ay tumutukoy sa kung paano mapalalago at mapapagtibay ng isang kristiyano ang kanyang character upang maging kapaki-pakinabang pang lalo sa paglilingkod sa Panginoon. Kung papaanong magbubukas at pamumunuan ang isang cell group o ang dati nating tinatawag na bible study.

Ito ay nagsimula sa Paranaque noong Hulyo 2006, at ito ang unang batch ng mga G-12 trainees. Ang G-12 seminar ay ginaganap sa lugar ng Qurino Church, Tambo, tuwing Linggo pagkatapos ng 2nd service sa limang (5) chapters ng JIL Paranaque (Quirino, Sucat, Sun Valley, San Martin, Dona Soledad). Nasundan pa ng isa na namang batch ang seminar na ito, dahil hindi lahat ng workers sa limang (5) chapters ay nakasama sa batch 1. Ito naman ay ginaganap sa Sucat Church, araw ng Linggo at parehong oras din. Samakatuwid, ang G-12 seminar ng JIL Paranaque ay binubuo ng batch 1 & batch 2.

Ngunit lumipas ang ilang buwan, ang G-12 seminar sa Paranaque ay pansmantalang nahinto sa kadahilanang nagkaroon ng ilang activities na idinaos din habang isinasagawa ang G-12 training. Ang trainees ng batch 1 & 2 ay pansamantalang nagka-“sem break”. Lumipas ang ilang linggo, balik training muli ang lahat ng workers. Nakakatuwang isipin na hindi lamang kaalaman ang nadaragdagan sa bawat isang uma-attend ng seminar na ito, kundi ang isa rin sa mahalagang bahagi ng buhay kristiyano, ang fellowship (friendship, partnership, bonding ika nga).

Maraming nakakatuwang kaganapan sa loob at labas ng seminars na ito. Mga ala-alang babaunin sa paglipas ng panahon. Purihin ang Panginoon sapagkat naging bahagi ang JIL Sun Valley
Church ng ganitong uri ng training. Ilan sa mga hindi malilimutang eksena sa seminar na ito ay ang kanya-kanyang pagbabaon ng makakain, paghahanap ng komportableng pwesto (kung saan may electric fan) pagdating sa Quirino nuong wala pa itong kisame, at ang pagmamadaling magpalit ng damit para hindi maiwanan at maubusan ng pwesto sa inupahang jeep. Ang mga ito’y halimbawa lamang ng tunay na kahulugan ng pagiging isang “manggagawa” ng Panginoon.

Mainit man o umuulan, siksikan man o maluwang, may nakakakita man o wala. Tunay nga na hindi ang mga may alam ang tinawag ng Diyos, dahil Sya ang nagbibigay ng kaalaman sa Kanyang mga tinawag.

Sa pagtatapos ng mga manggagawang ito sa G-12 training program, hindi magtatagal sila ring lahat ay magsisimula nang patuloy na humayo upang ipahayag at iparating sa buong mundo ang pag-ibig ng Diyos para sa Kanyang mga nilikha. Ito rin ang nais ng Panginoon sa atin; Philippians/Filipos 4:8- 9 “Sa wakas mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig at kagalang-galang. Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutuhan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Kung magkagayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan”.

Sa paglilingkod sa Panginoon, mahalaga rin na ating pinagsisikapang matuto ng mga bagong bagay upang makagawa ng mga bagong bagay para sa Panginoon.

ABOUT US

INCENSE is a local newsletter that covers updates of Jesus Is Lord Church Area 17 Paranaque activities and showcases talents who desire to glorify God through the written genre.

Discover how we started....

Read more>>>

CHURCH SCHEDULE AND LOCATION

JIL QUIRINO
JIL SUCAT
JIL SUN VALLEY
JIL SAN MARTIN
JIL DONA SOLEDAD

TV AND RADIO

BIBLE VERSE FOR TODAY

Lookup a word or passage in the Bible



BibleGateway.com
Include this form on your page